top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Manager ng aktres, 'di nakatiis, nagsalita… KALAT NA: MAINE AT ARJO, NAGLI-LIVE IN NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 25, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MAINIT na pi­nag-uusapan nga­yon sa social media na diuma­no’y nagsasama na sa iisang bahay o nagli-live-in na ang showbiz sweethearts na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Sa isang panayam sa PEP.ph, hindi na nakapagtimpi ang manager ng Phenomenal Star ng Siyete na si Rams David at nagsalita na sa mabibigat na isyung kinakaharap ng kanyang alaga.

Ayon kay Rams, traditional si Maine at isang dalagang Filipina.

Ang daming kuwestiyon na kesyo ganito, kesyo ganyan daw. May naba­balitang kesyo nagli-live-in daw. That’s not true,” ani Rams.

Dagdag pa niya, “She has her own house — meron siyang condo, meron silang bahay sa Bulacan.

“Hindi totoo. Hindi totoo ang mga bali-balita about it.

“Parang dalagang Filipina pa rin siya. ‘Yung traditional, hindi ‘yung kung kani-kanino lang, alam n’yo ‘yun?”

Isa rin sa mga napuna ng mga netizens ang palaging pagta-travel nina Maine at Arjo abroad.

Ayon kay Rams, wala ring problema ang palaging pagta-travel ng dalawa abroad dahil nakapagpaalam naman sila sa kani-kanilang mga magulang.

Sinagot din ng manager ng Kapuso star ang balitang umiinom at lasengga diumano si Maine.

Aniya, “She goes out with friends. Parang sana hindi sila OA. Sana, wa­lang OA. Lahat naman tayo, lumalabas, umiinom kung kailangang uminom, especially if it’s social drinking.

“Eh, kung gusto mong mag-enjoy, kung gusto mong uminom...

“Parang wala naman akong naba­balitaan na napagulo or umuwing lasing. Wala, walang-wala.”

Dugtong pa niya, “Alam ni Maine kung ano ang limit niya.”

Sa huli, nakiusap si Rams sa mga fans na hayaan nilang ma-enjoy ni Maine ang kanyang pribadong buhay.

We want to see her happy, right? Bakit hindi natin suportahan?” ang naging pahayag ni Ram.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page