top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Malaki at maliit na salamin

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 25, 2019
2 min read

Salaminin natin ang pa­naginip ni Angelica ng Angelica_Etulle@facebook. com

Dear Professor,

Nanaginip ako ng malaki at maliit na sala­min, pinipilit kong basagin ‘yung malaking salamin, pero hindi ko mabasag ng bato, samantalang, ‘yung maliit na salamin nu’ng una ay hindi ko mabasag, pero nu’ng pangalawang beses ay nabasag ko rin.

Naghihintay,

Angelica

Sa iyo Angelica,

Ang salamin ay sinisim­bolo ng reflection ng tao. Ibig sabihin, kailangan mo ng self-reflection.

Nangyayari ang ganito kapag ang tao ay nasa mali at ang kanyang pinaka­ma­laking pagkakamali sa buhay ay ang sumobra ang tiwala niya sa kanyang sarili. Ito ay nararanasan niya nang sa gayun ay mabigyan siya ng pagkakataong mabago ang mga mali niya sa buhay.

Ang malaking salamin ay para sa taong sobrang nag­mamalaki at ang maliit na sa­la­min ay para sa mga may ma­liliit na pagkakamali.

Dahil nabasag mo ang maliit na salamin, mababago mo ang maliliit mong pag­ka­kamali. Hindi ito nakapagta­taka sa buhay ng tao dahil ang kaya lang ng tao ay ang baguhin ang kanyang maliliit na pagkakamali.

Gayunman, mahirap pa­niwalaan pero, hindi kaya ng taong ilagay ang kanyang sarili sa tama. Ito ay nagaga­nap dahil ang kanyang mala­king pagkakamali ay mas malaki kaysa sa kanya, kaya hindi niya ito basta-basta ma­sisira.

Dahil dito, ikaw ay pi­nag­hahanda sa mararanasan mong mga kabiguan, ibig sa­bihin, kapag ang tao ay ma­saklap ang pagkabigo at sob­rang nasaktan, siya rin ay sobrang matatauhan.

Ang ta­wag sa ganitong pangyayari ay “batok ng ka­palaran” kung saan ang tao kapag na­batukan ng kapala­ran ay pu­wedeng magising sa katoto­hanan.

Minsan, walang epekto ang batok ng kapalaran, lalo na kapag tumigas na nang husto ang kanyang pagkaka­mali. Dahil dito, ang susu­nod niyang mararanasan ay ang tinatawag na “dagok ng ka­palaran” kung saan malaki ang tsansa na makita niya ang kanyang pagkakamali sa buhay.

Ang lahat ng ito ay pu­wedeng hindi na niya ma­ranasan kung maisasagawa niya ang tapat na self-ref­lection. Ibig sabihin, hindi niya dapat dayain ang kan­yang sarili sa malalimang pagsusuri ng kanyang mga pagkakamali.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page