Laborer dedbol sa kuryente
Pabs Hernandez III
Apr 25, 2019
1 min read
PANGASINAN — Isang laborer ang namatay nang makuryente kamakalawa sa ginagawa nilang bahay sa Bgy. Malanay, Sta. Barbara.
Kinilala ang biktima na si Arturo Garcia, residente ng nabanggit na barangay.
Napahawak si Garcia sa live wire sa ginagawa nilang bahay kaya ito nakuryente.
Dinala pa ng mga saksi si Garcia sa ospital pero, idineklara itong dead-on-arrival.





Comments