top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

EAC-ICA, NAG-CHAMPION SA NCRAA JRS. BASKETBALL

A. Servinio
Apr 25, 2019
1 min read

NASUNGKIT ng Emilio Aguinaldo College-Immaculate Conception Academy ang makasaysayang kampeonato ng 26th National Capital Region Athletic Association (NCRAA) Juniors Basketball matapos ang isang dikdikang laro kontra Saint Francis of Assisi College, 87-77, Miyerkules ng hapon sa Saint Joseph Gymnasium ng Pasig Catholic College. Ito na ang pinakaunang kampeonato sa basketball ng paaralan sa kahit anong dibisyon buhat ng sumali sila noong 2009.

Hindi pinatawad ng depensa si John Matthew Santos at wala siyang ginawang puntos sa unang quarter at ito ang naging hudyat para umarangkada agad ang EAC-ICA sa likod nina Jolo Sumagaysay at Cymoneil Josua Quirap. Lalong lumayo ang agwat pagdating ng halftime, 40-25, pero muntik nang madisgrasya ang EAC-ICA.

Biglang nabuhay at humabol ang mga Doves sa ikatlong quarter at naagaw ang lamang matapos pumasok ang tres ni Eden Trinidad sabay tunog ng busina, 53-52. Bumawi ang EAC-ICA at lumayo muli sa fourth quarter, 68-57, pero hindi pa rin sumuko ang SFAC.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page