VeraFiles, PCIJ at Rappler buking na "tuta" ng mga Kano | Mga traydor na media, sipain!
- BULGAR

- Apr 24, 2019
- 2 min read
AYON sa pagsusuri, ang may kagagawan umano ng kumalat na video sa social media kung saan naglalaman ng mga kasinungalingan laban kay Pangulong Rodrigo Duterte ay ang grupo ng media na “tuta” raw ng mga Amerikano.
Ito ay ang VeraFiles, Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) at Rappler. Iisa lang ang kulay ng mga ito kaya nasabi nating “tuta” sila.
Ang mga ito ay pinopondohan daw ng grupo ng Amerikano na ang layunin ay kontrolin ang pag-iisip ng mga Pinoy.
Sa totoo lang, kung walang pondo na galing sa Amerika, hindi mabubuhay ang mga ito.
Mayroong paratang na ang grupo ng Amerikanong tulad ng National Endowment for Democracy na nagpopondo sa PCIJ, VeraFiles at Omidyar sa Rappler ay ginagamit umano ng Central Intelligence Agency (CIA) ng Estados Unidos.
Ang CIA ay kilalang nakikialam sa politika ng ibang bansa para sa kapakanan ng gobyerno ng Estados Unidos.
Kilala ito na nagpabagsak ng mga gobyerno sa maraming mga bansa, lalo na sa Latin Amerika, partikular sa Chile.
Ang VeraFiles, PCIJ at Rappler ay ang mga grupong patuloy ang pagbanat kay Pangulong Duterte kung saan malinaw na gusto nila itong pabagsakin.
Ipinagkakalat nilang grabe raw ang human rights abuses na nagawa ng gobyernong Duterte sa giyera nito kontra sa iligal na droga.
Bagama’t, mayroong mga pagkakamali ang pulisya sa ilang mga pagkakataon, pinalalaki nila ang mga kasong ito at sinasabing polisiya mismo ni Pangulong Duterte na isa raw “berdugong presidente”.
Hindi naman totoo ‘yan, kinakailangan din ng mga pulis na ipagtanggol ang kanilang sarili.
Bakit ayaw ng mga grupong Amerikano si Pangulong Duterte? Ang totoo at pinakaimportanteng dahilan ay ayaw niyang magpa-“tuta” sa pamahalaang Amerikano.
Galit na galit ang mga Amerikano at nakikipagkaibigan ni Pangulong Duterte sa China na karibal ng Amerika bilang “superpower” sa Asya.
Ang masama, lumabag sa Konstitusyon ang tatlong media na ito. Malinaw sa Konstitusyon na bawal ang isang kusing o isang dolyar sa media.
Ipinagbawal ito ng Saligang-Batas dahilan kapag pinayagan ang mga banyaga na magpatakobo ng media ay mahahawakan nila ang pag-iisip ng mga Pilipino.
Ang mangyayari ay mawawala ang poder ng mga Pilipino sa sariling bayan at magiging tuta tayo ng mga mayayamang bansa o sa madaling salita, traydor ang tatlong media na ito sa kanilang sariling bayan.
Nagdesisyon na ang Securities and Exchange Commission na ni isang dolyar ay bawal sa media at sinabihan ang Rappler na dapat itong ipasara, gayunman, hindi pa maipasasara ang Rappler sapagkat umaapila pa ito.
Nagawang magdesisyon ng SEC sa kaso ng Rappler dahil inireklamo mismo ang mga ito ng abogado ng pamahalaan natin, ang Solicitor-General.
Dapat magreklamo ito na ipasara ang PCIJ, VeraFiles at isa pang grupo na pinopondohan ng mga mga Kano, ang Center for Media Responsibility and Freedom.
Ang mga traydor na ito sa sariling bayan ay dapat nang ipatapon.





Comments