Pekeng abogado arestado
- Pabs Hernandez III
- Apr 24, 2019
- 1 min read
DAVAO CITY—Isang pekeng abogado ang inaresto ng mga awtoridad, kamakalawa sa loob ng Hall of Justice sa lungsod na ito.
Ang suspek ay nakilalang si Wilhermo Rowena, nakatira sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na naghinala ang mga kliyente ni Rowena na hindi ito totoong abogado kaya ini-report nila ito sa mga awtoridad at nang imbestigahan ay nalaman na pekeng abogado ang suspek kaya agad itong dinakip sa Hall of Justice.
Nakapiit na si Rowena na nahaharap sa iba’t ibang kaso.





Comments