Na-badtrip sa prusisyon | 10 PATAY SA ‘KILLER COP’
SAMPU katao ang nasawi at 30 ang sugatan nang araruhin ng sasakyan ang mga ito sa kasagsagan ng Easter procession sa Northeast Nigeria.
Ayon kay State Police Spokesperson Mary Mallum, off-duty police ang umararo sa mga biktima gamit ang kanyang kotse.
Dead-on-the-spot ang sampung biktima habang agad dinala sa ospital ang mga nasugatan na pawang mga bata.
Gayunman, inatake ng mga tao ang pulis at kaibigan nito na naging dahilan para masawi ang dalawa.
Napag-alaman na may nakasagutan ang naturang pulis matapos mahirapang dumaan dahil sa prusisyon.





Comments