Malinaw ayon sa birthday... MISIS NA NAKATAKDANG MAGING MALIGAYA SA ASAWANG HINDI NAMBABABAE
- BULGAR

- Apr 24, 2019
- 1 min read
Dear Maestro,
Mabigat ang probema ko ngayon, Maestro, dahil dati ng nambabae ang mister ko at nang nahuli ko siya ay nangako siyang hindi na niya ito uulitin.
Pero, wala pang isang taon ay may babae na naman siyang bago. Sa ngayon, balak ko na siyang layasan at tuluyang iwanan.
Kung makikipaghiwalay ako sa kanya, may ikalawang pag-aasawa pa kayang mangyayari sa aking kapalaran at sa ikalawang pag-asawa, mas magiging maligaya na kaya ako? May 2, 1982 ang birthday ko.
Umaasa,
Emma ng San Agustin, Magalang, Pampanga
Dear Emma,
Ganito ang gawin mo, kung ang mister mo ay hindi naman isinilang sa zodiac signs na Virgo, Capricorn, Scorpio o kaya ay kapwa mo Taurus, tama ka, maaari nga kayong magkahiwalay dahil hindi mo siya katugma.
Subalit, kung Virgo, Capricorn, Scorpio o kaya ay kapwa mo Taurus ang zodiac signs ng mister mo, kahit babaero siya, tiyak ang magaganap, hinding-hindi kayo magkakahiwalay, higit lalo kung ang mister mo ay isinilang sa mga petsang 7, 16, 25, 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22 at 31.
Gayunman, kung halimbawang nagkahiwalay na kayo ng mister mo dahil nga hindi mo siya katugma, mas mainam na mag-aasawa kang muli, isaalang-alang ang nasabing mga zodiac sign sa itaas.
Kapag ganu’n ang nangyari, tiyak ang magaganap, sa piling ng nasabing lalaki, tulad ng nasabi na, may pangako ng maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.




Comments