Singer, mga kapwa Pinoy pa ang kalaban.. HIRIT NG FAN KAY REGINE: 'WAG KA NA MAKISAWSAW SA ISYU
- BULGAR

- Apr 23, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

NAG-EXPLAIN si Regine Velasquez sa tweet ng kanyang mga fans hinggil sa pakikisali umano niya sa isyu ng China at ‘Pinas.
Sa ulat ng ABS-CBN News na “Don’t laud China for restoring what it destroyed” na sinabi ng DFA chief na si Teddy Boy Locsin ay nagkomento ang Asia’s Songbird ng: “Thank you Sir for doing this @teddyboylocsin.”
Ayon sa tweet ni Mary Joy Tolentino, “Idol kita Ma’m, pero sana, ‘wag ka sumali sa China at ‘Pinas na usapan kasi ‘di lahat ng nakikita sa balita, totoo. Matuto po kayong magbasa at mag-research po… para ‘di kayo mapahiya. TY (heart emoji).”
Sagot ni Regine, “‘Di po ako sumasali. May malasakit lang po ako sa bansa natin. I have nothing against anyone. I just want my son to enjoy this beautiful country.”
Dahil dito, naglipana ang opinion sa social media.
May karapatan naman daw ang Asia’s Songbird na i-voice out ang kanyang concern. Nakakalungkot naman daw isipin na kapwa-Pinoy pa ang nakakalaban kapag ipinagtatanggol ang ‘Pinas sa China.





Comments