top of page
Heart Evangelista.jpg

Nasirang pulseras

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 23, 2019
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Lani ng La­ni_Cervantes@facebook. com

Dear Professor.

Noong Pebrero ay galing akong Cebu sa himala ni Birheng Maria at bumili ako ng pulseras.

Tapos, napanaginipan ko na ang pulseras ay nasira dahil nahila ng batang lalaki sa kamay ko.

Naalis ito sa kamay ko, nahulog sa sahig at napigtas ang tali. Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

Lani

Sa iyo Lani,

Normal lang, iha, hindi kababalaghan o himala ang bagay na puwedeng ma­sira, kumbaga, hindi na­man nakapagtataka ang ganu’ng pangyayari dahil ang puwedeng masira ay talagang masisira.

Kaya lang sa iba at ma­aaring ikaw ay kabilang sa mga naguguluhan at pa­rang natatakot kapag ang bagay ay nasira, nabagsak o naputol tulad ng pulse­ras na nabili mo kung saan nananahan ang imahen ni Virgin Mary.

‘Yung marami kang inaakala na ang kampon ng kadiliman ang may ka­gagawan kapag may na­kagugulat na nangyayari sa kanilang harapan na tulad ng nasabi na sa itaas ay normal lang naman.

Hindi natin sila masi­sisi kasi ang kam­pon ng ka­diliman ay may kapang­yarihan din, pero si God ang pinakamaka­pang­ya­rihan sa lahat ng may ka­pangyarihan.

Ang tao rin, iha, ay may kapangyarihan din naman, kaya sa mabilisang pagbi­bilang tatlo ang may ka­pang­yarihan — ang diyab­lo, tao at si God, pero muli, si God ang “pinaka” sa tatlo o sa lahat.

Tingnan mo, hindi da­pat matakot ang tao o mag-isip ng negatibo ka­pag nabasag ang babasa­ging bagay, gayundin ang paggalaw ng mga kurtina at iba pa dahil simple at hin­di espesyal ang ga­nu’ng pangyayari.

Sa mga ganitong sina­sabing kababalaghan, ma­kikitang si Satanas ay wala namang nagagawa o nali­likha dahil siya ay hindi manlilikha kung saan hindi niya kayang lumikha ng hangin dahil si God lang ay may likha ng hangin.

Kumbaga, si Satanas ay nakikigamit lang sa likha ng iba. Kaya bakit ka matatakot sa mga kampon ni Satanas, eh, sa lahat ng may kapangyarihan, siya ang pinakamahina?

Kaya ang napanagi­nipan mong naputol ang bagay na puwedeng ma­putol ay hindi dapat pag-isipan ng hindi maganda dahil muli, normal na ka­ganapan lang naman na ang puwedeng masira ay nasira.

Ayon sa panaginip mo, nag-iisip ka na ang kampon ng kadiliman ay nagtatang­kang sirain ang iyong pa­na­nampalataya. Hindi mangyayari ang ganu’n dahil ikaw na tao ay may kapangyarihan din at ka­kampi mo ang pinakama­kapangyarihan sa lahat.

Kaya, hold on to your faith, ito ang mensahe ng iyong panaginip.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page