top of page

Malinaw ayon sa palad... BABAENG NAKATAKDANG MAKAPAG-ABROAD DAHIL SA TINATAGLAY NA NUMERO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 23, 2019
  • 2 min read

KATANUNGAN

  1. Isinilang ako noong October 8, 1985, nasa guhit ba ng mga palad ko ang makapag-abroad? Pangat­long subok ko na itong pag-a-apply, pero hanggang ngayon, umabot na ako sa edad na 32 ay hindi pa rin ako nakaaalis.

  2. May pag-asa ba talaga akong makapag-abroad kahit D.H. lang o mas mabuting tanggapin ko na rito lang talaga sa Pilipinas ang kapalaran ko?

KASAGUTAN

Ganyan naman talaga ang kapalaran ng mga taong otso (8) na tulad mo, hindi easy-to-get ang tagumpay. Kaya asahan mo na bago ka makapag-abroad, mara­ming pagsubok ang iyong mararanasan, pero pagkatapos ng mga negatibong pangyayaring nabanggit, basta naging mapilit ka at kinulit mo nang kinulit ang kapalaran, ang malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad ay mananaig at ito rin ang tumiyak na makapag-a-abroad ka rin na madali namang kinumpirma ng lagda mong medyo umaalun-alon at ba­hagya pa ngang lumipad ang pinakapaa ng dulong letrang “a” paitatas. Ibig sabihin, ngayon pa lang ay na­sasagap na ng unconscious mong isipan ang naka­takdang ma­gaganap sa susunod na paglipas ng mga bu­wan, may produktibo at masaganang paglalakbay na itatala sa iyong kapalaran.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Hindi porke may malinaw kang Travel Line (Dra­wing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad ay ma­kapag-a-abroad ka na kaagad, sa halip, ibinabase rin ito sa bitbit mong numero. Tulad ng mga taong otso, silang may bitbit na mga numerong 8, 17 at 26, kahit may Tra­vel Line (arrow a.), medyo mahihirapan pa rin silang makamit ang magandang kapalaran sa pangi­ngibang-bansa dahil kaakibat ng kanilang numero ang sinasabi nating “hard road-to-glory” o sa madaling salita, pag­hihirapan muna talaga nila ang tagumpay bago nila ito makuha.

  2. Hindi tulad ng mga taong may bitbit na mga nu­merong 1, 10, 19, 28, 5, 14 at 23, pagkatapos ay may ma­linaw pang Travel Line (t-t arrow a.) na ang ibig sabihin, “easy-to-get” lang sa inyo ang makapangibang-bansa at magkaroon ng produktibo at masaganang karanasan sa nasabing pag-a-abroad.

  3. Habang, ayon sa iyong mga datos, Amy, kaunting tiis at paghihintay pa, basta huwag kang susuko, kulitin mo nang kulitin ang kapalaran at sa bandang huli, ayon sa iyong Travel Calendar sa last quarter ng kasalukuyang taon, ibig sabihin, sa buwan ng Oktubre o kaya ay hanggang Disyembre ngayong 2019, may produktibo at mabungang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page