Leading lady, hinahanap pa raw… DINGDONG, BIDA SA REMAKE NG DESCENDANTS OF THE SUN


AFTER 21 years, nananatiling Kapuso ang nag-iisang Primetime King ng GMA-7 na si Dingdong Dantes. Excited at masayang nag-renew ng kontrata ang aktor kahapon kasabay ng announcement ng malaking teleseryeng nakatakda niyang gawin for this year.
Sa presscon after the contract signing, kinumpirma ng network na si Dingdong ang gagawa ng Pinoy adaptation ng hit Korean drama na Descendants of the Sun na pinagbidahan nina Song Joong Ki at Song Hye Kyo noong 2016.
Of course, si Dingdong ang gaganap na “Big Boss” or Captain Yoo Si Jin samantalang ang leading lady is yet to announce.
Bago pa man pumirma ay excited na si Dong na nag-post pa sa kanyang Instagram account habang suot ang kanyang favorite suit.
“I put on my favorite suit this morning and had my girls (yes including Ate Z) approve it because today is a very, very important day for me,” ang caption ni Dingdong sa larawan.
Ayon kay Dong, pakiramdam daw niya ay Easter Sunday talaga dahil rebirth na rin ito ng kanyang commitment at dedication sa network.
“Higit sa lahat, ‘yun ‘yung parang reassurance na ito ‘yung relationship talaga namin ng GMA magmula noong umpisa. Lalo naming palalakasin not on the professional level but more on the personal level because 21 years na po ako sa GMA.
“Dito ko nakilala ‘yung aking napangasawa, dito sa GMA ako nagkaroon ng panganay, dito ako sa GMA nagkaroon ng pangalawang anak, so ibig sabihin, bahagi talaga ang GMA ng aking buhay. ‘Yun ‘yung kahulugan at kahalagahan ng araw na ito para sa akin,” masaya pang wika ng aktor.
Isa pang dahilan ng pagka-ecstatic ngayon ni Dong ay ang kasisilang lang na 2nd baby nila ni Marian Rivera na si Jose Sixto Dantes IV or Ziggy for short.
“Definitely, kailangan, siya ‘yung best version ng kung anumang magiging lahi ng mga Sixto dahil siyempre, ‘di ba, lahat ng learning from the past, siya na ‘yung magpapatuloy,” aniya.
Nanganak si Marian last Tuesday at 10 hours itong nag-labor. Naroroon mismo si Dong sa delivery room at kitang-kita niya ang paghihirap ng kanyang misis.
“Kaya alam n’yo, as much as I celebrate the birth of my son, I also celebrate of course, ‘yung life ni Marian. I also celebrate her strength dahil grabe talaga ang pinagdaraanan ng mga nanay kapag ipinapanganak nila ‘yung sanggol nila. Buhay nila ang nakataya diyan at siyempre, dinala nila for 9 months. Grabe ‘yung paghihirap.
“Kapag nagbe-birthday nga ang isang tao, dapat isine-celebrate na rin ang mga nanay. Kakaibang respeto talaga lalo ang ibinibigay ko sa aking asawa. Sa second child namin, I also wanna honor her because of all her sacrifices.
“Kaya ngayon, kung ano ang kailangan niya para ma-pamper siya, para maging komportable siya, eh, gagawin ko,” saad pa ni Dong.
Samantala, inanunsiyo rin sa presscon na magiging part din ng creative si Dong ng Descendants of the Sun. Wala pa raw definite date kung kailan nila ito sisimulan pero siyempre, siguradong ngayong taon ito gagawin.
As for leading lady, sinabi na ni Dong na malabong si Marian ang makasama niya since kapapanganak nga lang ng asawa.





Comments