Kung Marcos pa raw, kakasa siya… KRIS, ATRAS BANGGAIN SI SARA DUTERTE SA PAGKA-PANGULO
- BULGAR

- Apr 23, 2019
- 2 min read

ANG laki talaga ng ipinayat ni Kris Aquino nang humarap sa press people kahapon sa ipinatawag niyang presscon para ipakita ang suporta sa pinsang si Bam Aquino na re-electionist sa pagka-senador.
Natatawa ngang hirit ni Kris, pang-children section galing ang suot niyang t-shirt na may picture ng family ni Sen. Bam.
Hindi naman halatang may iniindang sakit si Kris dahil bubbly and jolly pa rin siya at siya pa rin ‘yung Kris na madaldal.
Pero nang matanong nga kung posible niyang pasukin ang pulitika at labanan-banggain si Sara Duterte sa pagka-presidente kung wala siyang sakit, sagot ni Kris, “One, what I have is not curable and I’ve accepted that.
“Second, ayokong upakan niya ako (laughs). Sorry, ha? I’m being honest. I don’t see myself in a position going against her because I find the narrative so wrong.
“Kasi maling-mali na kami ang pinag-aaway, eh, kasi walang ugat. Kung tinanong n’yo ‘ko kung tatakbo ako kung Marcos ang tatakbo, bahala na si Batman, yes, isusugal ang lahat kung ‘yun ang kalaban.
“Pero kung Duterte ang tatakbo, ibibigay ko na sa kanila ‘yun kasi wala kaming malalim na ugat, sugat or hindi namin sila kaaway.
“Honestly, ang feeling ko lang talaga, gusto kaming pag-awayin para nakakalimutan kung sino talaga ang matagal na ang away.”
Sa 6 yrs. daw na nakaupo ang kanyang kuya na si ex-Pres. Noynoy Aquino, wala naman silang naging issue sa mga Duterte.
“So far, ha, wala naman siyang matinding mura na ginawa sa brother ko. So far. Baka today,” pabirong sabi ni Kris.
Natanong din namin si Kris kung bukod kay Sen. Bam, may iba pa ba siyang pulitikong sinusuportahan ngayong eleksiyon at kung may mga humingi ba ng suporta niya na tinanggihan niya.
Sey ni Kris, nasa Instagram Story niya naman ‘yung mga numbers na ‘favorite’ niya, so ‘yun na lang ang tingnan nang malaman kung sinu-sino ang susuportahan niya.
Wala naman daw siyang tinanggihang iendorso dahil this time, siya ang kusang nagbigay ng tulong niya at hindi raw siya ‘pinuwersa’ para suportahan ang isang kandidato.
So, klaro!





Comments