HOROSCOPE | ABRIL 23, 2019 (Martes)
- BULGAR

- Apr 23, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 23, 2019 (Martes): Pataas nang pataas ang iyong kalagayan. Bumaba ka nang sa gayun ay tumaas kang muli. Ito mismo ang kahulugan ng araw na ito ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong pabayaan ang iyong sarili. Pahalagahan mo ang iyong sarili higit sa anumang bagay dahil mababalewala ang lahat ng mapasasaiyo kung ang sarili mo ay hindi mo pahahalagahan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-19-20-23-30-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Manghiram ka ng magandang ideya kung paano umasenso. Hindi masama ang manghiram dahil ang lahat sa mundo ay hiram lang natin sa Makapangyarihang nasa itaas. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-14-28-30-33-42.
GEMINI (May 21- June 20) - Kunin mo ang para sa iyo. Ipaglaban mo ang iyong karapatan nang sa gayun ay hindi ka lihim na pagtawanan. Kahit kailan, hindi mananalo ang nang-aagaw. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-29-36-40-45-46.
CANCER (June 21- July 22) - Kahit manahimik ka, patuloy kang kumilos kung paano mo maigigiit ang gusto mo. Sa ganito, hindi makapoporma ang kalaban mo dahil aakalain niyang huminto ka na nang tuluyan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-13-15-27-30-32.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hawak mo ang barahang alas ngayon. Puwede mo itong gamitin, pero ang payo, ireserba mo ito sa malalaking laban ng buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-21-26-30-35-38-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Papaboran ka ngayon ng nakatataas sa iyo dahil alam nilang malaki ang mapakikinabangan nila sa iyo, kumbaga, ang hindi kaya ng iba ay kayang- kaya mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-29-30-32-35-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ngayon mo timbangin ang mga pangyayari. Mamumulat ka sa katotohanan na maganda kung makapagpaplano ka para sa iyong sariling kapakanan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-18-21-25-34-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumayo ka sa taong malapit sa iyo na alam mong maaari kang siraan. Huwag kang makipaglaro sa leon dahil malaki ang posibilidad na ikaw ay malamon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-19-24-28-36-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magparaya ka! Ang malaking bagay sa biglang tingin ay sobrang liit kung ihahambing sa nagdaratingang mga suwerte mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-24-39-40-44-46.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lumalapit sa iyo ang suwerte mo, pero ang nakapagtataka, lumalayo ka. Ngayong alam mo na ang takbo ng iyong kapalaran, huwag mong layuan ang lumalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-6-14-15-20-26.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Palayain mo ang iyong sarili. Ang galit kapag naibubulalas ay nawawala at minsan pa ay nagiging pag-ibig. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-14-17-20-35-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nasasagap mo ang mga suwerteng nagdaratingan. Ihanda mo ang iyong sarili, itakwil mo ang mga pangit mong ugali at gawi nang sa gayun ay hindi masayang ang iyong mga suwerte. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-18-22-27-35-41.




Comments