Especially ngayong uso ang atake dahil sa sobrang unit ng panahon... 5 THINGS PARA MAGING HEALTHY AN

TALAGANG nakapang-iinit ng ulo ang panahon, mga tsong, kaya uso rin ang atake sa puso at stroke. Pero, kung bet ninyong makaiwas sa pagkakaroon nito, alamin natin ang ilang paraan upang mas maging healthy ang puso:
1. GET ACTIVE. Sa pagiging aktibo, pinagagana nito ang puso kung saan mainam ito para sa ating cardiovascular system. Mas madalas na pagiging aktibo sa pagtakbo man o ehersisyo, mas better!
2. MANAGE YOUR WEIGHT. Ooops, hindi porke bakasyon, eh, pababayaan mo na ang iyong timbang at kalusugan, huwag puro cheat day, mga beshy! Hinay-hinay lang sa pagiging patay-gutom dahil ang pagiging overweight ay nakai-increase ng tsansa na magkaroon ka ng iba’t ibang klase ng sakit.
3. EAT MORE FIBER. Imbes na kumain ng junk foods, why not kumain na lang tayo ng mga pagkaing mayaman sa fiber tulad ng gulay, prutas, tinapay at grains. Oh, ‘di ba, healthy living?
4. CUT DOWN ON SALT. Kung ikaw ay salty lover, iwas-iwasan mo na, beshy! Kahit kailan hindi naging healthy ang pag-i-intake ng mga pagkaing sobra-sobra sa sodium dahil masama ito para sa kalusugan ng puso at bato.
5. EAT FISH. Tulad ng naging tradisyon natin noong Semana Santa, bakit hindi na lang natin ituloy na huwag na lang kumain ng karne, kumbaga, isda na lang ang mas madalas nating ulamin dahil sa totoo lang, mas healthy ito, mga beshy!
Minsan, dehins lang sa pagiging broken-hearted nagkakaroon ng panganib ang puso, kaya huwag tayong puro hugot! Ha-ha-ha! Mas mainam kung iiwasan natin ang bad vibes at stress.
Okidoki?





Comments