14 dedo sa landsline
LABING-APAT katao ang kumpirmadong patay matapos ang landslide kasunod sa pagbuhos ng malakas na ulan sa Colombia.
Dahil sa panahon, walong bahay ang naitalang nasira dahilan para maharangan ang Pan-American Highway sa komunidad ng Rosas na 630 kilometro ang layo sa timog-kanlurang bahagi ng Bogota.
Gayunman, 25 katao ang natabunan ng putik at nabagsakan ng mga nasirang bahay.
Ayon kay Colombian President Ivan Duque, tinatanggal ng emergency services ang mga nakaharang sa daan upang mas mapadali ang pag-rescue sa mga apektadong residente.





Comments