Van, nabangga… MUSTB NAAKSIDENTE, MANAGER PATAY

ISANG trahedya ang naganap sa idol group na MustB at sa kanilang manager kahapon, April 21. Naaksidente ang kanilang sinasakyang van na ikinasawi ng kanilang manager na si Son, 36.
Ayon sa report, at 3:40 am, lulan ng isang van ang grupo na minamaneho ng kanilang manager. Habang dumadaan sa Seoul’s Olympic-daero (eight-lane highway in Seoul), midway between bridges Seoulgyo and Yeouigyo in the direction of Jamsil, nabangga ng van ang guard rail sa tabi ng daan.
Nasugatan daw nang malubha si Son and was transferred to Ewha Womans University Mokdong Hospital. Pero sa kasamaang-palad ay binawian din daw ng buhay ang manager.
Ayon pa sa report ay pauwi na ang grupo at pabalik sa kanilang dorm sa Seoul mula sa performance sa Daegu nang mangyari ang aksidente.
Ang nakasakay nang mangyari ang aksidente ay apat na miyembro at isang employee ng management. They sustained minor injuries na ginamot agad sa ospital.
Ang tatlo pang miyembro ay nakababa na raw ng sasakyan bago pa man nangyari ang aksidente.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga pulisya kung ano talaga ang nangyari sa naturang aksidente at kung nakainom ba ang nagmamaneho.
Bagung-bago lang sa industriya ang MustB na may 7 members. Nag-debut lang sila last December, 2018 signed under MUSTM Entertainment.





Comments