top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Paggunita sa Semana Santa tapos na, pagbabantay sa mga pasaway, tuloy!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 22, 2019
1 min read

TAPOS na ang paggunita sa Semana Santa gayunman, mananatili umanong nakaalerto ang puwersa ng Philippine National Police (PNP).

Naka-deploy pa rin sa kani-kanilang mga tungkulin ang 90,000 pulis.

Todo-bantay sa mga bus terminal, seaport, airport at iba pang matataong lugar kung saan inaasahan ang pagdagsa ng mga pasahero na pabalik ng Maynila matapos ang bakasyon.

Inaasahang magtuluy-tuloy na ang alerto hanggang sa halalan ngayong Mayo 13.

Samantala, wala umanong naranasang matinding problema ang Philippine Coast Guard (PCG) sa iba’t ibang pantalan sa bansa sa nagdaang Semana Santa.

Nakapagtala ang PCG ng nasa 112,000 pasahero noong Biyernes Santo at inaasahan pa ang pagdagsa ngayong Lunes, April 22.

Patuloy din ang kanilang pagpapatupad ng mahigpit na seguridad.

Sa tulong ng mga awtoridad at volunteer, nagiging mas ligtas ang paggunita sa Holy Week.

Lumiliit ang tsansa ng mga masasamang-loob na gumawa ng kalokohan.

Bilang mamamayan, obligasyon din nating makipagtulungan sa mga awtoridad at bantayan ang kaayusan sa ating bayan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page