top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kung kelan 34 na, nag-topless sa pictorial… NETIZEN KAY ALESSANDRA: MASYONDA KA NA, 'DI KA NA FR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 22, 2019
  • 1 min read

GINULAT ng magaling na aktres na si Alessandra de Rossi ang mga netizens sa kanyang latest pictorial kung saan maki­kitang topless ang younger sis ni Assunta de Rossi at bikini lang ang tanging suot nito habang nakaupo sa isang silya.

Pero natatakpan naman ang boobs ni Alessandra kaya walang nasilip at hindi muk­hang bastos ang dating ng topless pictorial niya.

Marami nga ang natuwa at nagsabing classy pa rin ang dating ni Alessandra sa kanyang pose at Pinay na Pinay ang ganda at kulay niya.

Ngunit may ilang netizens naman ang nagtaka kung bakit ngayon lang naisipan ni Alessandra ang magpa-pictorial nang nakahubad kung kelan 34-anyos na raw ang aktres.

Hirit pa ng ilan, masyonda na ang aktres para idispley pa ang katawan kaya hindi na fresh at katakam-takam.

Sana raw, ginawa ito ni Alessan­dra nu’ng kabataan niya tulad ng kan­­yang Ate Assunta na nagsimula bilang sexy star sa mga pelikula noon.

Well, ewan lang din namin kung ano’ng image ang gusto ni Alessandra na maitatak sa kanya ngayon pagkatapos gawin ‘yan.

Baka naman may pinaghahandaan siyang indie film, hindi kaya?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page