top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

HOROSCOPE | ABRIL 22, 2019 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 22, 2019
  • 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 22, 2019 (Lunes): Matataas na posisyon ang para sa iyo. Hindi ka puwede sa ibaba at kung hindi sina­­sadyang napunta ka sa ibaba, itataas ka ng iyong kapalaran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maghanap ka ng bagong pa­raan para mas kumita pa ang iyong ne­gosyo. Rito sa mundo, sa larangan ng hanapbuhay, ang palaging kailangan ay bago. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Ma­suwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-10-19-20-22-28.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Papala­kas ang mga suwerte mo. Sa ngayon, puwedeng-puwede mo nang simulan ang mga proyektong hin­di mo nagawa dahil pi­nang­hinaan ka ng loob. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-17-28-30-36-43.

GEMINI (May 21- June 20) - Huwag mo ng bali­kan pa ang nagbi­gay sa iyo ng matinding kabiguan. Kapag napaso ang daliri, kusa itong uma­atras at hindi na muling magta­tang­kang hipuin ang bagay kung saan ito napaso. Ma­suwerteng ku­lay-beige. Tips sa lotto-19-20-23-26-35-41.

CANCER (June 21- July 22) - Kulang ka sa saya, kaya magha­nap ka ng magpapasaya sa iyo. Kulang ka sa li­gaya, kaya makipagsa­palaran ka sa taong pu­wedeng mag­bigay sa iyo ng ligaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-21-26-33-39-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ma­taas ka kaya kailangan mong buma­ba. Gawin mo ito at ma­gugulat ka, muli kang ta­taas na mas mataas pa kaysa sa dating naabot mong kalagayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-18-28-31-32-35.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong hanapan ng katwiran ang lantad na katotohanan. Mas magandang tangga­pin mo na may pagkaka­taong makagagawa ka ng kamalian. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-13-17-22-27-38.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumikilos ang mga bituin sa langit upang pag-isahin ang kanilang lakas para mapabilis ang ka­tuparan ng mga impo­sible mong pangarap. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-15-17-26-28-44.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ligaya ang lunas sa lungkot. Hin­di mo dapat pabayaan ang karamda­man at ang lung­kot dahil ito ay sakit ng ka­looban na kailangang ma­lunasan. Ito ang men­sa­he para sa iyo. Masu­wer­teng kulay-red. Tips sa lotto-10-14-22-24-30-33.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Paking­gan mo ang tunay na turo na nagsasabing, ang ha­napin mo ay ang wala ka, ito ang lihim na susi para sa ganap na kaligayahan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-12-20-21-28-29.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lumapit ka sa malayo. Ang lahat ng bagay sa mundo ay dapat papalawak at papalago. Ito ang mensahe ng iyong ka­­palaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-11-17-20-25-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iangat mo ang iyong mga paa. Ito ang hiwaga sa paglakad at pagpunta sa malayo. Kung gusto mong mara­ting ang iyong pangarap, muli, iangat mo ang iyong mga paa. Masuwer­teng kulay-green. Tips sa lotto-6-13-16-24-27-34.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi puwe­deng walang abilidad ang tao. Ang payo sa iyo ay bi­langin mo ang iyong na­ging tagumpay sa buhay. Masuwerteng kulay-yel­low. Tips sa lotto-9-15-22-29-30-31.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page