top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Alamin mula kay Señor... KAALAMAN TUNGKOL SA NAGDAANG SEMANA SANTA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 22, 2019
  • 2 min read

Bigyang-daan natin ang ilang bagay tungkol sa tradisyon ng mga Pilipino tu­wing Holy Week.

Sa mga balita, maririnig natin na ang Mahal na Araw ay banal na mga araw. Kaya walang tigil ang Inang Simbahan sa pagpapaalala sa mga tao na magsisisi at ang utos ay isabuhay ang paghihirap ni Kristo sa bundok ng kalbaryo.

Pero, ang mga Pinoy, sumusunod kaya? Ang sa­got ay hindi! Mahirap mang tanggapin at aminin, ang Simbahan ay hindi na masyadong pinakikinggan. Masaklap ang ganitong katotohanan, kaya lang lantad naman na ang mga Pinoy ay nagsasaya tuwing Mahal na Araw.

Pasyal dito, pasyal doon, kain dito, kain doon at piknik dito, piknik doon. Nagbabakasyon kung saan-saan at lakwatsa nang lakwatsa buong Linggo.

Gayunman, ano ang isa pang katotohanan sa li­kod ng kontradiksiyon sa paniniwala ng tao sa Simbahan?

Ang totoo, wala ng nakikinig sa sermon ng mga pari, pero siyempre naririnig ito ng lahat, ‘yun nga lang hindi isinasabuhay.

Dahil ang Simbahan ay kailangan ng tao hindi lang para sa mga aral o katuruan kundi para rin sa mga ritwal.

Kailangan ng tao na mabinyagan, kaya sila ay nagpapabinyag, pero hindi naman nila isinasabuhay ang tunay na kahulugan ng taong binyagan.

Kailangan ng tao ang kasal, pero hindi nila sinusu­nod ang sabi ng pari na ang kasal ay pangha­bam­buhay. Ang pag-aasawa ay sa hirap at ginhawa at ang mag-asawa ay dapat mabuhay sa diwa ng ka­sagraduhan ng kasal.

Kailangan ng tao na mapabendisyunan ang namatay ng mahal sa buhay, pero wala naman siyang bilib sa sinasabi ng pari na sa langit mapupunta ang namatay.

Samantala, kung ang tao ay naniniwala sa la­ngit, eh, bakit takot silang mamatay? Pero, hindi lang naman tao ang ayaw lumisan sa mundo kundi ang mismong pari na nagsasabing sa langit natin makakapiling si Lord.

Kailan kaya babalik ang tunay na kahulugan ng Holy Week?

◘◘◘

Kung gusto mong magbago ang lalaking mahal mo para sa kanyang ikabubuti, ang orasyon ay “Om­nipotens Deus: Quis Enim Placet Mutare In Me­lius.”

Kung babae ang gusto mong magkaroon ng pagbabago ang buhay para sa kanyang ikabubuti, ang orasyon ay ”Omnipotens Deus: Ut Sis Mulier Haec Mutare In Melius.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page