top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

NPA member sumurender

Pabs Hernandez III
Apr 21, 2019
1 min read

CAMARINES NORTE—Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa mga awtoridad, kamakalawa sa bayan ng Labo sa lalawigang ito.

Para sa kanyang seguridad ay hindi pinangalanan ng mga awtoridad ang sumukong NPA na miyembro ng “Norben Gruta Command” na nakabase sa lalawigan.

Ayon sa sumukong NPA, nagpasya siyang magbalik-loob sa pamahalaan dahil nais na umano niyang magbagong-buhay at makapiling ang kanyang pamilya.

Isinasailalim na ng mga awtoridad sa taktikal na interogasyon ang sumukong NPA.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page