Senatoriable ng Otso Diretso… SIGAW NI P-DIGONG: BF NI AGOT, BAKLA NA, BULLY PA!

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

IPINAGTANGGOL ng singer-actress na si Agot Isidro ang BF niyang si Pilo Hilbay sa akusasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na “bakla” ang senatorial candidate.
Si Hilbay ay kumakandidato bilang senador sa ilalim ng oposisyon o political multi-party na Otso Diretso.
Binitiwan ni P-Digong ang kanyang akusasyon kay Hilbay noong Martes (April 16) sa kanyang talumpati sa campaign rally ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas o PDP-Laban na ginanap sa Cagayan.
“Florin Hilbay is a lawyer. But he’s gay. His girlfriend is Igot Isidro. They’re always together. Agot rather, not Igot,” ang naging pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang speech.
Gayunman, nilinaw ng pangulo na wala siyang isyu sa mga miyembro ng LGBTQIA community.
Tinawag din na “bully” ni P-Digong ang magkasintahan dahil kritiko niya ang mga ito.
“I don’t have a problem with gays, but this particular gay is a bully,” sabi ni President Duterte.
Dagdag niya, “They always criticize me, Hilbay and Agot, until they ended up being couple.”
Kahapon, idinaan nina Agot at Hilbay sa kanilang Twitter account ang komento nila sa binitiwang pahayag ni P-Digong.
Ani Agot, “Straight po sya. Straight din ako.”
Dagdag pa niya, “Straight kami.
“Straight 8. #OtsoDiretso”
Hirit pa ni Agot, “At issue ba talaga ang gender? #LGBTQIA supporter ako, naniniwala na ang gender ay walang kinalaman sa integridad ng isang tao.
“Pero ang pagmumura at pagpatay, well, that’s a different story.”
Ipinost din ng aktres-singer ang litrato nila ni Hilbay at nilagyan ng caption na: “Kebs,” isang gay lingo word na ang ibig sabihin ay walang pakialam.
“President Duterte accused me of being gay, and of using @agot_isidro as beard.
“Hindi ako na-inform na suma-sideline pala siyang chismoso sa kanto. Daming free time, Ser?” naman ang naging pahayag ng senatorial candidate sa akusasyon sa kanya ng pangulo.





Comments