Nang-espiya | EX-GUARD NG NORWEIGAN-RUSSIAN BORDER, 14 YRS. KULONG
HINATULAN ng korte sa Moscow ng 14 taong pagkakakulong ang Norweigan national matapos mang-espiya sa Russian navy submarines.
Kinilala ang suspek na si Frode Berg, 63, dating guwardiya ng Norweigan-Russian border na naaresto noong 2017.
Inamin ni Berg na siya ay nanilbihan din bilang courier ng Norweigan intelligence ngunit, itinanggi nito ang akusasyon na siya ay nag-eespiya.
Ayon sa kanyang abogado na si Ilya Novikov, hindi nila iaapela ang hatol at hihingi sila ng pardon kay President Vladimir Putin.





Comments