Naghahanda na raw sa future nila… JASMINE, SA HOTEL SA LA UNION MAGHO-HOLY WEEK KASAMA ANG BF


LUMIPAD pa-La Union si Jasmine Curtis-Smith last Holy Tuesday pagkatapos ng presscon ng horror film niyang Maledicto. She’s spending the Holy Week there kasama ang kanyang businessman boyfriend na si Jeff Ortega.
May binuksan pala silang boutique hotel sa naturang lugar kaya babantayan nila ang soft opening and at the same time, bakasyon na rin.
“Ako ‘yung mas vacation, ‘yung boyfriend ko ang mas working,” natatawang sey ni Jasmine. “Siya na muna, siya ‘yung manager du’n. eh.”
Incorporator lang naman daw siya sa boutique hotel at ang real owner ay si Jeff at mga kasosyo nito.
“I’m just part of it na nakikitulong of course with marketing, with visual ideas, whatever they need,” sey pa ni Jasmine.
First joint venture business ito ni Jasmine at ng BF niya at learning avenue na rin daw ito sa aktres para naman sa sariling negosyo niya if ever na magtatayo siya in the future.
Apparently ay naghahanda na sina Jasmine at Jeff sa kanilang future at aminado naman ang aktres na parang mutual understanding na nila na magsisimula muna sila rito dahil siya naman ay marami pa raw gustong ma-achieve.
''Ako, on my own, especially, ang dami ko pang gustong ma-achieve on my own na hindi siya kasama as a boyfriend or as a life partner or as a husband already. Siyempre, gusto kong ma-experience ang mga ganitong process, ganitong learning. I mean, ganitong learning, other than what we’ll experience together,” sey ni Jasmine.
Siyempre, kailangan din naman daw nilang magkaroon ng sariling achievements at sariling individuality tulad na nga lang ng kanyang pagiging aktres.
“Para when the time comes na kami na talaga and we. . . you know, tie the knot, God-willing na kami talaga in the end, then we can be sure na walang regrets,” she said.
Inspirasyon daw nila ang kanyang Ate Anne Curtis na kahit married na ay may sarili pa ring individuality, gayundin ang mister nitong si Erwan Heussaff.
Samantala, sa Maledicto ay ginagampanan ni Jasmine ang papel na isang madre na first time raw niyang ginampanan. Kasama niya sa pelikula sina Miles Ocampo, Tom Rodriguez, Inah de Belen at iba pa na mula sa direksiyon ni Mark Meily.
Showing na sa mga sinehan ngayong May 1 ang Maledicto, ang first local film produced ng Fox Network Group Philippines, co-produced by Cignal Entertainment and Unitel.





Comments