Matapos masunog | PRES. MACRON: NOTRE DAME CATHEDRAL, 5 YRS. AAYUSIN
NANGAKO si French President Emmanuel Macron na isasaayos ng gobyerno ang nasirang parte ng Notre Dame Cathedral sa loob ng limang taon.
Ito ay matapos kumalat ang videos na nagpapakita ng kabayanihan ng mga bumbero upang apulahin ang apoy.
Kasama sa mahahalagang relics ng Simbahan ang nailigtas kabilang ang 18th Century organ na mayroong higit 8,000 pipes habang natanggal ang estatwa mula sa bubungang bahagi ng Simbahan ilang araw bago maganap ang sunog.
Halos 13 milyong turista ang bumibisita sa Notre Dame Cathedral kada taon na sinimulang itayo noong 1163 at natapos noong 1345.





Comments