HOROSCOPE | ABRIL 18, 2019 (Huwebes)
- BULGAR

- Apr 18, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 18, 2019 (Huwebes): Malalaking tagumpay ang nakalaan para sa iyo. Marapat lamang na malalaking ambisyon din ang hangarin mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hawak-hawak mo ngayon ang iyong kapalaran. Nasa sa iyo na kung ano at saan mo ito gagamitin. Katumbas din nito ang kabiguan at tagumpay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-19-20-21-28-30.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dadalhin ka ng lakas ng iyong loob kung saan makahaharap mo nang personal ang katuparan ng iyong malalaking pangarap sa buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-18-24-25-34-40.
GEMINI (May 21- June 20) - Bakit ka paaawat kung alam mong nasa tama ka? Ang dapat na magsihinto ay ang mga nasa mali at wala sa lugar, gayundin ang may mga hindi magandang motibo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-26-33-35-39-42.
CANCER (June 21- July 22) - Mawawala ang takot mo sa pagsugod sa iyong pangarap. Ikaw mismo ay magtataka dahil kilala mo ang iyong sarili na mahina at ayaw makipagsapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-22-27-31-36-46.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kusang kumikilos ang kapalaran mo, inaalis nito ang mga hadlang at sagabal sa landas ng buhay na tinatahak mo. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-11-14-27-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon ang tamang panahon para simulan ang matagal mo ng binabalak na pagkakakitaan kung saan may pagkakataon kang yumaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-19-25-28-33-37.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kabaligtaran ng mga kagustuhan mo ang magaganap, pero magtataka ka dahil sa huli, ikaw pala ay may malalaking pakinabang sa mga ayaw na ayaw mong mangyari sa buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-19-20-23-24-31.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dagdag na lakas ng loob ang mapasasaiyo, sapat ito para magawa mo ang iyong pinag-aalinlangang proyekto na para sa iyo ay mahirap at hindi mo kayang tapusin nang mabilis. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-19-24-26-33-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Umaayon sa mga plano mo ang mga bituin sa langit. Bihirang mangyari ang ganitong nakamamanghang kaganapan na ang mga bituin ay nagkakaisa para sa iyong layunin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-17-20-21-24-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mawawala ang pangamba mo laban sa kahirapan dahil ang mga suwerte ay dadalawin ka at magpapabalik-balik pa sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-10-13-27-30-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bakit mo hahabulin ang nawala sa iyo? Siya ang dapat na maghabol sa iyo dahil kailangan ka niya sa kanyang buhay at ang isa pang totoo, walang sinumang puwedeng ipalit sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-20-24-28-30-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong itago ang galing at husay mo. Walang saysay ang mamahaling alahas kung nananatili lang ito sa taguan at hindi naman ginagamit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-21-26-39-40-43.




Comments