top of page
Pokwang.jpg

Mga adik na driver at konduktor, lagot sa ‘Oplan Huli Week’

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 17, 2019
1 min read

OPLAN Huli Week’. Isinailalim sa drug testing ang mga konduktor at driver ng bus.

Nagtakda ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng 18 lugar para isailalim sa pagsusuri ang mga bus driver na bibiyahe ngayong Semana Santa kung saan nangunguna ang Araneta Center Bus Terminal sa Cubao, Quezon City.

Sinumang magpositibo sa drug test ay hindi papayagang bumiyahe at kukumpiskahin ang lisensiya.

Samantala, may surprise drug test din ang PDEA at Land Transportation Office (LTO) sa mga bus driver, konduktor at dispatcher sa Baguio City at maging sa Davao City.

Layon nitong maiwasang mauwi sa malagim na biyahe ang paggunita ng Mahal na Araw.

Sa totoo lang, hindi lang dapat minsan sa isang taon ang pagsasagawa ng drug testing lalo at tila hindi maubus-ubos ang mga pasaway.

Mahirap bang unawain na napakalaking responsibilidad ang pagiging driver?

Ilang buhay ang ipinagkakatiwala na umaasang makararating at makauuwi nang ligtas.

Paulit-ulit pero, mayroon pa ring nakalilimot.

Kaya tama lang na maging mas pursigido ang mga ahensiya ng gobyerno na mahuli ang mga ito.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page