Konsehal timbog sa shabu
Pabs Hernandez III
Apr 17, 2019
1 min read
AGUSAN DE NORTE—Isang konsehal ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu, kamakalawa sa Bgy. Matabao, Buenavista sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Councilor Ronilo Bojol, nakatira sa nabanggit na bayan.
Nabatid na sinalakay ng pulisya ang bahay ni Bojol sa bisa ng search warrant at dito nakumpiska ang 22 gramo ng shabu.
Nakapiit na si Bojol na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments