Drug dealer todas sa shootout
- Pabs Hernandez III
- Apr 17, 2019
- 1 min read
CEBU—Isang drug dealer ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng buy-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Maghaway, Talisay City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Jackson Segundino, nakatira sa naturang barangay.
Nabatid na darakpin sana sa buy-bust operation si Segundino, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang mga tauhan ng pulisya.
Dahil dito, kaagad gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek.





Comments