BALIKATAN ANG LABAN SA MMTC SA MALVAR
- Green Lantern
- Apr 17, 2019
- 1 min read

BALIKATAN ang laban sa pitong karera na aalagwa sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas ngayong gabi.
Nakalalamang ang Batas Kamao, kontra sa Baisakhi, habang ang Within Reach, Superal at Blue Orchid ang tsamba sa Race 1.
Sa Race 2, may kahirapang pumili ng ilalahok bilang pamoste sa Pick 6, na kinabibilangan ng Jersy Savings, couple entry na Dragon Fire at Mika Mika Mika, Double Rock at Avenue Shopper.
Nakalalamang ang Pure Imagination habang nagsisilbing kalabang mahigpit ang Felicity na simula ng Pick 5 sa Race 3. Apat na kalahok ang pinipili ko bilang pamoste sa Race 4 kasabay ng Pick 4 ito’y sa pangunguna ng Kapayapaan, Backdoor Cover, couple entry na Headmastership at HoneywermmyPants at Beacon Street.
Maglalaban sa Race 5 ang Melvin The Man at couple entry na London Boy at Believe Me habang ang Bullish Desire ay may tsamba. Sa Race 6, makababawi kaya ang Right As Rain mula sa malaking pagkakatalo sa tulong ng Hook’s Princess na siyang couple entry laban sa couple entry na Sweetness at Girl On Fire?
Tip ni Mang Ding: Race 1-Entry No.1 Baisakhi (3): Race 2-Jersy Savings (3) Entry No.5: Race 3- Pure Imagination (6) Felicity (1) Race 4- Backdoor Cover (1) Entry No. 5 Race 5-Melvin The Man (7) Entry No.1 Race 6- Entry No.1 Entry No.7: Race 7- Entry No. 6 Hello Junior (2)





Comments