Singer, iniimbestigahan sa prostitusyon… MGA BABAE SA PARTY NI SEUNGRI, UMAMING NAKIPAG-SEX SA MGA B
- Lee Vin Nia
- Apr 16, 2019
- 2 min read

UPDATE sa kaso ni Seungri na prostitution mediation, kasalukuyang iniimbestigahan din pala ng pulisya ang birthday party ng singer na ginanap dito sa Palawan noong 2017.
Ayon sa report na lumabas, may ebidensiya raw ang Seoul Metropolitan Police Agency’s Provincial Special Detective Division na makapagpapatunay ng pagta-transfer ng pera ni Seungri sa mga escorts na lumampas daw sa regular travel expenses.
Ayon pa sa report, sa nasabing party ay 8 professional escorts ang invited na dinaluhan din ng mga kaibigan ni Seungri at mga foreign investors.
Diumano ay nagbigay na ng statement sa pulisya ang ilang babaeng dumalo sa birthday ni Seungri at inamin daw na boluntaryo silang nakipag-sex sa ilang lalaki sa party at hindi raw sila inutusan ng singer o ninuman na gawin ito.
Pero nagduda umano asang mga pulis na isa itong media prostitution dahil hindi raw kaibigan ni Seungri ang mga naturang babae. Bukod pa rito, ang mga escorts ay binayaran daw ng malaki na higit pa sa travel expenses, which means maaaring may prostitusyong naganap dahil sa malaking perang involved.
Nagbigay na ng pahayag ang pulisya sa presscon na ginanap kahapon at anila ay kasalukuyan pa nilang iniimbestigahan ang kasong ito.
“We are investigating two people who went to Palawan with Seungri and checking the expenses by looking into their bank accounts. We have figured out how much [Seungri paid for the women’s] travel expenses, and we must look into it further to find out the source of the money,” pahayag umano ng pulisya as reported by Soompi.
Nagbigay din naman ng pahayag ang kampo ni Seungri at inamin na may inimbita ngang female escorts sa party pero itinangging may sexual favors silang hiningi bilang kapalit ng pera.
“Transferring money to an adult entertainment establishment does not mean sexual acts were expected in return. If the money were sent with expectations of receiving sexual favors in return, we should have gotten the money back from female escorts who did not engage in sexual acts at the party,” pahayag ng kampo ni Seungri.
Idiniin nilang ang perang ipinadala nila ay talagang sa travel expenses lang ginamit ng mga babae.





Comments