top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pahiwatig na magkakagusto sa matandang mayaman

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 16, 2019
2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Epi ng Epi_ Pha_Ny@facebook.com

Dear Professor,

Ano ang ibig sabihin kapag niregaluhan o ina­butan ka ng ballpen na kakaiba, parang an­tique ang dating at muk­hang mamahalin?

Curious lang ako, kaya gusto kong mala­man.

Salamat!

Naghihintay,

Epi

Sa iyo Epi,

Sa ngayon, uso pa ang ballpen, pero sa mga school na lang hindi tulad noon, ang bawat tao ay may kani-kanyang perso­nal na ballpen.

Ngayong uso na ang modernong cellphone, laptop at computer, may gumagamit pa ba ng ball­pen?

Ang unang ballpen, iha ay natagpuan sa An­cient Egypt, antigong ballpen na gawa sa pakpak ng ibon.

Ang ballpen tulad mis­mo ng ballpen ngayon ay naimbento sa Hungary ng editor ng diyaryo, kaya ang unang modernong ballpen ay ginamit sa pag­susulat sa mga newspa­per.

Sumikat ang ballpen, pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at halos lahat ay may sariling ballpen.

Sobrang naging mabili ang ballpen nang mauso ang penpal. Ang penpal ay ang pagsusulatan ng mag­kaibigan na nasa mala­yong lugar sa pamama­gitan ng post office na nag­de-deli­ver ng mga sulat.

Ang pinakasikat na ballpen ay ang “Bic Ball­pen” dahil maganda ng sulat o tinta nito, makinis at manipis na hindi du­murumi ang papel sa sinu­latan.

Sa panaginip, ang ball­pen ay phallic symbol na kapag binigyan ng ball­pen, ibig sabihin, ang nag­bigay ay may pagnana­sang pangseksuwal sa binigyan.

At dahil antigo ang ballpen sa panaginip mo, mas malamang na ang nagnanasa sa iyo ay ma­tanda na, gayundin dahil mukhang mamahalin ang ballpen, ibig sabihin, siya ay matandang mayaman.

Puwede bang ako na­man ang magtanong? Minsan ba sa buhay mo ay nasabi mo na ang gusto mo ay matandang maya­man na madaling mama­tay?

Ang mga babae kasi, madalas na nagbibiro na ang gusto nila ay ‘yung ma­yamang matanda na ma­daling mamatay.

Minsan, ang kapalaran ay mapagbiro rin at kung oo ang sagot mo, ihanda mo ang iyong sarili dahil your wish shall come true.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page