top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mag-amang nagwawala inaresto

  • Pabs Hernandez III
  • Apr 16, 2019
  • 1 min read

LA UNION—Dinakip ng pulisya ang mag-amang nagwawala sa kalsada, kamakalawa sa Bgy. Bawatan, Bauang sa lalawigang ito.

Kinilala ang mag-amang suspek na sina Brasil, 38-anyos at Mark John Bucasan, 18-anyos, kapwa residente sa nabanggit na bayan.

Ayon sa ulat, nadaanan ng pulisya ang mag-amang Bucasan na nagwawala sa kalsada at hinahamon ng away ang mga laborer sa construction site at nang sitahin at kapkapan ay nakumpiskahan ng dalawang sachets ng marijuana ang mga suspek.

Hindi naman nanlaban ang mag-amang suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad sa nasabing lugar.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page