Bebot na estudyante huli sa marijuana
Pabs Hernandez III
Apr 16, 2019
1 min read
TUGUEGARAO CITY—Isang babaeng estudyante ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng marijuana, kamakalawa sa bus terminal sa lungsod na ito.
Hindi muna pinangalanan ng pulisya ang suspek na residente ng Gamu, Isabela habang isinasailalim ito sa masusing imbestigasyon.
Ayon sa ulat, isang pakete ng marijuana ang nakumpiska ng mga awtoridad sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments