top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Ayon sa mga eksperto… SNOOZE ALARM, BAD SA HEALTH!

Ronalyn
Apr 16, 2019
2 min read

KAPAG nabitawan mo ang ballpen mo, napa­kabilis nitong malaglag sa sahig dahil sa gravi­ty. Pero, ang sobrang lakas na epekto ng gravi­ty ay palagi nating nararanasan tuwing umaga, ‘yung kahit tumayo ka na at lahat mula sa pagkakahiga eh, hihi­lahin ka ulit ng iyong kama pabalik sa higaan. Hay, buhay!

Knows ba ninyo na hindi maganda sa ating kalusugan ang pag-e-snooze ng alarm? Sey ng experts, ang paulit-ulit na pagpikit ng mga mata para muling matulog at paulit-ulit ding puwersahang pagdilat sa kada tunog ng alarm ay hindi maganda sa ating katawan.

Kapag nag-umpisa nang bumisita si antok, doon na nagsisimula ang pagbagal ng heart rate at pagbaba ng body temperature natin. Kapag napalalim na ang ating tulog, dito na pumapasok ang pinakaimpor­tanteng stage sa katawan natin dahil dito na nagsisi­mu­lang mag-regrow ang ating body tissues, buto at muscles para tumibay ang ating immune system. Kapag nasa malalim na pagkakatulog na tayo, roon na nagiging sobrang aktibo ng ating utak, ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon tayo ng panaginip.

Ano naman ang kinalaman nito sa pagtunog ng alarm clock? Kapag malapit na ang isinet mong oras ng paggising, du’n na bumabagal ang pagiging aktibo ng utak natin hanggang sa dumating ang eksaktong oras ng paggising natin kasabay ng tunog ng alarm clock.

Ngunit, kung pipindutin mo ang snooze button, dito na magsisimula ang hindi magandang epekto sa inyong katawan. Sa oras na subukan ulit nating matulog, magsisimulang muli ang pagiging aktibo ng ating utak at kadalasan ay sa oras na tumunog ulit ang alarm, nasa kalagitnaan pa lang ang ating utak sa pagiging aktibo, bilang resulta, makararamdam ka ng malabong paningin at dahil dito, nagiging abnormal ang pagtakbo ng cells sa utak natin. Naaapektuhan din nito ang genes natin sa katawan, kaya naman mabilis tayong makararamdam ng stress at hihina rin ang ating immune system.

Kapag nagsimula nang umatake ang stress, mabilis kang magiging iritable at hirap kang mag-focus. Kapag naman humina ang inyong immune system, madali kang darapuan ng sakit at malaki ang posibilidad sa pagkaroon ng heart disease, cancer at stroke.

‘Ika nga ng tropa nating si Thomas Dekker, dramatist, “sleep is that golden chain that ties health and our bodies together.” Kaya mga 'tol, sikapin nating magkaroon ng wastong tulog at hangga’t maaari, bumangon kaagad tayo pagkatunog ng alarm clock.

Sama-sama nating gawin ang snooze-ban para sa ating kalusugan!

Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page