top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Alamin mula kay Maestro... TAKDANG KAPALARAN NA MARARANASAN NG MGA UNGGOY NGAYONG TAON NG MGA BABOY

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 16, 2019
2 min read

SA negosyo, kalaka­lan, career at pakiki­pag­transaksiyon, sinasa­bing ang mga Unggoy ay ma­hilig makipagsa­pa­laran at dahil likas silang tuso at matalino, kayang-kaya nilang mapalago at ma­parami ang napaka­simple nilang produkto at kini­kita, kaya sa 12 ani­mal signs na humarap sa palasyo ni Lord Buddha, ang Unggoy ang isa sa pinakamapalad kung larangan ng negosyo at pagkakaperahan ang pag-uusapan.

Ang dapat lamang pag­han­daan ng Unggoy ay ang mga mabibilis na pag­baba­gong magaganap sa kanyang career at negosyo ngayong Taon ng mga Ba­boy.

Kaya mahalaga na ma­ging matatag ang Unggoy sa anumang hamon ng kapa­laran sa kanyang career at propesyon ngayong taon. Nangyari ito dahil ang mga pagbabagong magaganap kapag nagkamali siya ng de­sis­yon ay maaaring ikalugi ng kanyang negosyo, ngunit, kung magiging tama ang kanyang pasya, ang mga pag­babagong darating ay maiko-convert ng Unggoy upang lalo pang umunlad at suma­gana ang kanyang ka­buhayan.

May mga paninira at intriga ring mararanasan ang Unggoy ngayong taon sa kumpanya o workplace na kanyang ginagalawan kung saan sa umpisa, ang mga ne­gatibong pangyayari na ipupukol sa kanya ng mga taong toxic sa kanyang bu­hay ay aakalain niyang ma­kaaapekto sa kanyang pro­pesyon, ngunit, sa bandang huli kung hindi gaanong pa­patulan o papansinin ang nasabing mga intriga, ang mga paninirang ito ay ma­giging “blessing in disguise” na maghahatid sa Unggoy ng mas malaking suwerte at ta­gumpay ngayong 2019.

Sinasabing maganda ring magsimula ng bagong career o pagkakakitaan ang Ung­goy ngayong taon dahil tiyak na sa panahong ito lalo na at may ba­gong career o negos­y­­ong inilunsad ang Unggoy, sob­rang laki ng tsansa na aani siya ng mas mabunga at ma­saganang kapalaran.

Hindi naman iminu­mung­kahing mangutang o manghiram ng malaking ha­laga ng salapi ang Unggoy para makapagbukas o maka­pagsimula ng ba­gong ne­gosyo dahil kung mangu­ngutang ang Unggoy, mala­mang na hindi siya mada­ling makababayad, sa halip, ang maaaring mangyari ay magkabaun-baon lamang siya sa mga pagkakautang.

Dagdag pa rito, hindi rin iminumungkahing maki­pagsosyo ang Unggoy, sa halip, ang mas tama at ang dapat niyang gawin ay mag­sikap mag-isa upang lalong mapabuti at mapalago ang kanyang kabuhayan.

Sa hindi inaasahang mga pangyayari, may mga ini­handa rin ang langit na nata­tagong suwerte at kayama­nan para sa mga Unggoy ngayong 2019.

Ang kailangan lamang ay maging mapagmatiyag at gamitin ng Unggoy ang kanyang matalas na in­tuition. Kahit ito ay nakatago at na­kabaon dahil ang Ung­goy ay likas na masuwerte, tiyak na ang natatagong ka­yamanang ito ay matatag­puan sa tak­dang panahon kung saan langit na mismo ang magbubukas ng baul ng ka­yamanan upang sa sanda­ling natagpuan na ang kaya­ma­nang ito, bultu-bul­tong su­werte na may kaug­nayan sa salapi at materyal na ba­gay ang biglaang dara­ting sa buhay ng Unggoy nga­yong taon nang hindi niya ina­asahan.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page