Salvage victim natagpuan
LAGUNA—Isang bangkay ng hindi kilalang lalaki na biktima ng salvage ang natagpuan, kamakalawa sa Bgy. Amuyong, Mabitac sa lalawigang ito.
Ang bitima ay tinatayang nasa pagitan ng 18-20 ang edad, may taas na 5’6, nakasuot ng kulay orange na polo at gray na short pants.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na nakagapos ang mga kamay at paa nito at mayroong mga tama ng saksak sa katawan.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para makilala ang biktima at pagkatao ng mga salarin.





Comments