top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

SALT AND PEPPER, CHAMP SA 4 YR OLD

Green Lantern
Apr 15, 2019
1 min read

RENDA at LATIGO

ITINANGHAL na kampeon ang Salt and Pepper sa katatapos na 2019 Philracom “4 Year Old & Above Local Stakes Race” matapos maungusan ng isang kabayo ang layo sa liyamadong Lakan sa ginanap na karera sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite kahapon.

Ang Sand and Pepper ay pag-aari ni Hermie Esguerra na natapos na pangatlo habang nauuna ang kabayong Smokin Saturday at kasunod ang Lakan. Pagdating sa huling kurbada ng laban, kinuha ang pangunguna habang naka­sunod ang Lakan.

Tinanggap ni Esguerra ang P300,000 bilang kabaya­ran sa pagkapanalo ni Salt and Pepper at nag-uwi naman ng PI12,500 ang Lakan, tumanggap ng P62,500 ang Smo­kin Saturday na dumating sa 3rd placer at P25,000 sa Mandatum makaraang makuha ang 4th placer. Ang Salt and Pepper ay pinatnubayan ni jockey Pat Delima na tumanggap ng trophy.

Samantala, labindalawang kalahok ang hahataw sa 2019 PHILRACOM “3 Year Old Local Fillies and Colts” sa Abril 21 sa Saddle and Clubs Leisure Park, Naic, Ca­vite. Mag­kakalaban ang mga kalahok na Barayong, Gepnits, Gil’s Magic, Mount Dulag Dulag, Lakan Takhan, My Jopay, Ok­tubre Katorse, Petersaints, The Accountant, Toy tne Bigboy, Two Timer at Westeros.

Tatawirin ang distansiyang 1,600 meters na may pa­premyong P600,000 sa masuwerteng magwawagi sa na­turang karera. Mag-uuwi ng P225,000 ang pangalawa, tatanggap ng P125,000 ang 3rd placer at mag-uuwi ng P50,000 ang tatanghaling 4th placer. Ang nasabing laban na matutunghayan ang magsasabi kung sinu-sino ang maglalaban sa 1st Triple Crown Championship.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page