Para makapasok ng Mexico | GATE NG GUATEMALAN BORDER WINASAK NG 350 MIGRANTS
Isang grupo ng migrants na nasa 350 katao ang sumira sa gate ng Guatemalan border noong April 12.
Sinira ng grupo ang border upang makapasok sa Southern Mexico kung saan naghihintay ang isa pang grupo ng 2,000 kataong migrants na patungong Tapachula.
Gayunman, hindi pinangalanan ng National Immigration Institute ang nanira sa nasabing border.
Samantala, marami na rin umanong grupo ng migrants sa southern border ng Chiapas ang nagpahayag ng kanilang pagkalito sa polisiya ng Mexico sa pagpapabagal o pagpapatigil ng proseso ng pagbibigay ng humanitarian at exit visas sa mga border.
Ang mga grupo ng daan-daang Cuban, African at central American migrants ay naghihintay sa mga immigration office sa Tapachula para sa mga dokumento na magpapapayag na papasukin sila sa U.S. Border.
Bukod dito, ang tinatayang 2,500 Central American at Cuban migrants na nasa Chiapas Town ng Mapastepec ay halos isang linggo nang naroon at naghihintay ng mga papeles.





Comments