Pamamaril sa labas ng club, sekyu utas
DEDBOL ang isang security guard habang marami ang sugatan sa naganap na pamamaril sa labas ng isang night club sa Melbourne, Australia.
Batay sa ulat, sa ospital na binawian ng buhay ang sekyu habang nagpapagaling ang tatlong iba pang biktima na nagtamo ng “horrific injuries” ayon sa pulisya.
Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad kung may kinalaman sa terorismo ang insidente.
Gayunman, hinimok ng pulisya ang mga nakasaksi sa pangyayari na makipag-ugnayan sa kanila para sa mabilis na pagtukoy sa mga salarin.





Comments