top of page
Pokwang.jpg

Malinaw ayon sa palad... SEAMAN NA NAKATAKDANG UMASENSO KUNG ITUTULOY ANG BINABALAK NA NEGOSYO

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 15, 2019
2 min read

KATANUNGAN

  1. Dati akong seaman, pero ayaw ko na sanang mag-abroad dahil mahirap ang buhay sa barko. Matapos kong maipagawa ang bahay namin at ma­kabayad sa mga utang, nagdesisyon na akong tumigil muna sa pagsakay sa barko.

  2. Gusto kong magnegosyo dahil may naitatabi pa naman akong puhunan.

  3. Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo, Maestro, dahil gusto kong malaman kung ano ang nakikita ninyo sa aking mga palad, puwede ba akong magnegosyo at kung puwede, anong negosyo naman ang nababagay sa akin?

KASAGUTAN

  1. Kapansin-pansing ikaw ay nagtataglay ng tinatawag na “square type hand” (Drawing A. at B. arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad na nangangahulugang puno ng reserbadong lakas o energy ang iyong pagkatao. Kaya siguradong kapag sinalat ang iyong palad, mapapansing ito ay tumatalbug-talbog at tunay ngang larawan ng energetic personality. Kaya puwedeng-puwede kang su­mubok ng iba’t ibang uri ng negosyo at hanapbuhay na sigurado namang magki-click at magtatagumpay.

  2. Ibig sabihin, malaki talaga ang potensiyal na mag­tatagumpay ka sa larangan ng pangangalakal na madali ring kinumpirma ng bilugan mong pangangatawan at ng birth date mong 17 o 8 (1+7=8).

  3. Kaya lang dahil ang numerong 8 ay pinaghaharian ng planetang Saturn, kung matatandaan mo, hula ko lang, hindi ba noong unang taon mo sa pag-a-abroad, marami kang dinaanang hirap at mga pagsubok, bago mo nakuha ang maganda mong posisyon o ang maganda mong kalagayan ngayon?

  4. Kung oo ang iyong tugon, sinasabing halos ga­nundin ang mangyayari sa sandaling magnegosyo ka. Sa simula, maraming pagsubok at mga problema ang iyong makasasagupa. Subalit, kahit ganu’n ang mang­yari, hindi ka dapat sumuko dahil karugtong ng iyong kapalaran ang subukin ka talaga ng tadhana upang tu­mibay at tumatag ang iyong pagkatao, parang punong­kahoy – mag­kakaroon ka ng mas marami at hitik na mga bunga na nangangahulugang pagkatapos ng mga pag­subok, lalo kang uunlad, sasagana at kahit na papaano ay magiging maligaya.

  5. Ang pag-aanalisang susuwertehin ka rin sa ne­gosyo tulad ng sinuwerte kang makapag-seaman ay madali namang kinumpirma ng straight Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, basta tinutukan mo ang partikular na bagay, tiyak na mapagtatagumpayan mo ito.

  6. Ang pag-aanalisang may suwerte ka sa negosyo ay lalo pang pinagtibay ng Mercury Line (Drawing A. at B. n-n arrow c.), sa kaliwa at kanan mong palad. Ang Mercury Line na ito na bihira nating talakayin ay na­pag­babasehan din kung susuwertehin sa negosyo ang tao dahil si Mercury ay “God of commerce” sa Mito­lohiyang Griyego-Romano.

  7. Kaya ang sinumang may malinaw at makapal na guhit ng Mercury Line (arrow c.) ay siguradong mag­tatagumpay sa larangan ng pangangalakal higit lalo kung simple o kakaunti lang ang guhit ng kanilang mga palad, ‘yun nga ay tinataglay ng mga taong may square type hand at pagkatapos ay may straight Head Line pa (Drawing A. at B. H-H arrow b.) sa kaliwa at kanang palad.

Dahil nagkataon pang otso (8, 17 at 26) ang birth date mo, walang duda, sa pagnenegosyo, tulad ng nasabi na sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, magtatagumpay at yayaman ka!

DAPAT GAWIN

Kaya kung magsisimula ka nang magnegosyo nga­yong 2019, Joel, ang nasabing pagyaman, ayon sa iyong mga datos ay magsisimulang maramdaman at siguradong magaganap sa taong 2025, sa edad mong 55 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page