top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

HOROSCOPE | ABRIL 15, 2019 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 15, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 15, 2019 (Lunes): Hindi ka kakapusin sa mga su­werte dahil mula nang ikaw ay isilang, nasa ka­palaran mo na ang mga ito. Ito ang kahulugan ng araw na ito ng iyong ka­arawan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gumamit ka ng maga­gan­­dang sa­lita na matatamis pa­king­gan. Ito ang sikreto sa pagpapaunlad ng ne­gosyo kung saan kapag napasaya mo ang tao, makukuha mo ang gusto mo. Masuwerteng ku­lay-red. Tips sa lotto-8-10-13-17-21-27.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sim­pleng ngiti mula sa iyong mga labi ang magpapa­bago sa buhay mo. Hindi ka lang sasaya kundi ya­yaman ka pa. Maaakit mo ang may kakayahang bigyan ka ng masarap na buhay. Masuwerteng ku­lay-brown. Tips sa lotto-3-17-20-28-37-45.

GEMINI (May 21- June 20) - Nakaa­akit na kilos ang hindi si­nasadyang makikita sa iyo. Ang malungkot ay iyong mabibihag at ikaw ay magiging inspirasyon sa kanilang buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-25-28-31-33-38.

CANCER (June 21- July 22) - Nakatu­tuwa ang ka­pa­laran mo nga­yon dahil ikaw ay ma­ki­ki­tang tipid na tipid sa pag­kilos, pero magiging ma­gastos ka dahil ang mga suwerte ay magpapa­ba­lik-balik sa iyo. Masu­werteng kulay-green. Tips sa lotto-11-15-18-21-24-33.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ba­wal sa iyo ang sumulyap at tu­migil sa mga bagong kakilala da­hil ba­go mo lang silang ka­kilala, hindi mo pa alam ang ka­saysayan ng buhay nila na magagayuma ng iyong mga mata. Masu­werteng kulay-yellow. Tips sa lot­to-1-12-16-20-24-37.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hahangaan at mamahalin ka dahil sa kaka­ibang talas ng iyong isip. Bibihira ngayon ang mga tunay na matalino tulad mo na sobrang lakas ng dating sa mga nakakuku­wentahan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lot­to-9-13-16-21-28-38.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Iyung-iyo ang araw na ito. Gawin muna ang anumang gusto mong gawin. Ngayon mo rin hi­lingin sa langit kung ano ang pinakagusto mo sa bu­hay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-18-20-22-28-34.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagbaba­bala ang iyong kapalaran na lalapitan ka ng taong hin­di marunong tumupad sa ob­ligasyon. Ang payo sa iyo ay magdamot ka pansa­man­tala sa mga hihingi ng tu­long. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-beige. Tips sa lotto-7-14-15-27-35-37.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Masa­sa­gap mo ang paparating na mga suwerte, ibig sabihin, madaragdagan ang iyong dumaraming kabuha­yan. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-blue. Tips sa lotto-1-18-22-29-31-33.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hawak-hawak mo nga­­yon ang alas na baraha. Ibig sabihin, matatalo mo ang lalaban sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­wer­teng kulay-black. Tips sa lotto-9-17-24-26-38-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Wala sa loob ng bahay ang malala­king suwerte mo. Ang to­too nga, simpleng luma­bas ka lang ng bahay ay ma­babago na ang daloy ng mga suwerte sa buhay mo. Masuwerteng kulay-vio­let. Tips sa lotto-18-20-23-25-30-32.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sumunod ka lang kahit hin­di mo gusto. Ito ang hiwaga ng iyong kapa­laran na ang mag-u­utos sa iyo ay hindi ma­ma­­mala­yang maililipat niya sa iyo ang kanyang mga suwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-7-10-14-18-20.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page