Sulawesi Island niyanig ng Magnitude 6.8
Nag-isyu na ng tsunami warning sa Indonesia makaraang tumama ang Magnitude 6.8 na lindol sa Sulawesi Island.
Sa datos mula sa United States Geological Survey (USGS), namataan ang sentro ng lindol sa layong 17-km. sa east coast ng nasabing isla.
Ayon sa geophysics agency ng Indonesia, nag-isyu na sila ng tsunami warning sa coastal communities sa Morowali District.
Sa ngayon, wala pa umanong ulat sa naitalang pinsala o casualties.
Matatandaang, una nang tinamaan ng Magnitude 7.5 ang Sulawesi, partikular sa siyudad ng Palu, noong nakaraang taon na kumitil sa 4,300 katao.





Comments