Shoutout sa mga walang kayakap diyan sa gabi... PAGYAKAP SA UNAN, GOOD SA HEALTH!
- Donna Thea Topacio
- Apr 14, 2019
- 1 min read

ANG sarap ng feeling kapag may kayakap kang matulog, ‘yung tipong feeling safe ka, ganern! Pero, paano kung waley dahil single ka, besh? Oks lang ‘yan dahil knows ba ninyo na ang pagkayakap umano sa unan ay makabubuti para sa ating kalusugan?
Weh, ‘di nga?
Ang unan ay beneficial sa maraming dahilan, ito ay dahil nakapagbibigay ito ng coziness at comfort sa indibidwal.
Gayunman, keri nitong i-improve ang ating respiration sa gabi dahil ina-allow nito ang magandang oxygenation ng ating cells at tissues na sumusuporta upang ma-regulate ang ating blood circulation.
Kaya kung bet ninyong makatulog nang mahimbing sa gabi, alam n’yo na, ha?
Dagdag pa rito, maging sa timbang ay may benepisyong dulot ang pagyakap sa unan dahil nakatutulong ito upang ang bigat natin ay hindi natin masyadong maramdaman para hindi sumakit ang ating mga kasukasuan.
Sa katunayan, ang pagyakap ay may iba’t ibang nagagawa base sa ating iniindang karamdaman, halimbawa para sa mga madalas na sumakit ang likod, buntis at ‘yung malakas kung maghilik.
Samantala, ayon sa mga eksperto, kung nai-stress na kayo sa buhay, make sure na nakayakap kayo sa unan kung matulog dahil nakapagre-release ang pagyakap ng hormone oxytocin na nakare-relieve ng stress, napakakalma ang nervous system at katawan.
Kaya, ano pa ang ginagawa n’yo riyan, bumili na kayo ng malinis, mabango at malambot na unan. He-he-he!
Iba talaga ang nagagawa ng yakapsul, mga beshy!
Gets n’yo?




Comments