Shoutout sa mga lodi natin diyan na nakapag-ipon na! MGA DAPAT IKONSIDERA SA PAGBILI NG BAHAY
No Problem

LAHAT tayo ay may kani-kanyang goal sa buhay, ‘yung iba, gustong magkaroon ng sariling bahay, kotse, cellphone, laptop at marami pang iba. Pero, kung adult ka na, malamang ang i-prioritize mo, eh, ang pagkakaroon ng bahay o ‘yung tinatawag nating dream house. Kaya, narito ang mga dapat ikonsidera sa pagbili ng bahay:
1.THE TYPE OF PROPERTY AND ITS LOCATION. Kung bibili kayo ng bahay, make sure na convenient ito para sa inyo, lalo na sa lugar ng trabaho ninyo. Make sure na iiwasan ninyo ang mga liblib na lugar nang sa gayun ay masiguro rin ninyo ang inyong kaligtasan.
2. CONSIDER THE MONTHLY AMORTIZATION. Kung dehins kaya ng budget ang babayaran buwan-buwan, huwag na ninyong ipilit, mga mamsh! Maghanap na lang kayo ng bahay na mura at mukhang okay naman at kapag nabayaran na ninyo ay saka n’yo na lang pagandahin o i-renovate.
3.EXPLORE OTHER FINANCING OPTIONS. Dapat hindi lang pambili ang mayroon kayo, ikonsidera rin ninyo ang pagbili ng mga furniture at iba pang kakailanganin para mapaganda ang inyong bahay. Kaya ngayon pa lang, ipun-ipon din ‘pag may time. He-he-he!
4.GOOD TRACK RECORD OF THE DEVELOPER. Huwag kayong magpapaloko sa nagbebenta, lalo na kung ‘yung bibilhin ninyong bahay, eh, natirhan na. Dapat alam ninyo ang history ng bahay para hindi kayo magulat kung may masasamang espiritu pa lang naninirahan. Yay!
5. FIND A TRUSTED PERSON WHO WILL TAKE CARE OF YOUR INVESTMENT. Sa totoo lang, napakahirap kumita ng pera, lalo na rito sa Pilipinas, kaya kung mag-i-invest kayo dapat du’n sa sigurado para sa huli hindi kayo madehado, ang dami pa namang manloloko at manggagantso ngayon. Hays!
Kaya, para sa mga beshy natin diyan na gusto ng mag-settle down o kaya ay bigyan ng bahay sina nanay at tatay, make sure to follow these tips, okay?
Have a big dream, mga besh!
Okidoki?





Comments