Kahulugan na nakalilimot ng magsimba
- BULGAR

- Apr 14, 2019
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Seeley ng Seeley_Blythe@facebook. com
Dear Professor,
Nanaginip ako tungkol kina Virgin Mary of Lourdes at Our Lady of Manaoag. Mga higante ang nakita ko sa Our Lady of Manaoag at kinakausap nila ako, pero iba ang salita nila.
Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay,
Seeley
Sa iyo Seeley,
Ganito ang nakatala sa Aklat ng Hula, ang sabi ni John, “narinig ko ang pag-uusap sa langit at iba ang salita nila at sabi pa niya hindi niya ito maunawaan.” Basahin mo, iha, ang Aklat ng Hula, ito ang pinakahuling parte sa Bibliya kung saan ikaw mismo ang magsasabi sa iyong sarili na iba ang lengguwahe ng mga nasa langit.
Sa ganitong katotohanan, ang iyong panaginip ay nagbibigay-diin na nakarating ka sa langit. Ayon sa Bibliya, maraming langit, pero iisa lang ang pinakamataas at ito ay kung saan matatagpuan ang luklukan ni God.
May iba ring nananaginip na nakausap nila ang mga banal na personalidad kung saan sa pamamagitan ng iba’t ibang lengguwahe sila nag-uusap. Ang iba pang panaginip na nakausap ang mga banal na personalidad ay sa mismong earth nanaginip.
Dahil hindi mo naiintindihan ang wika na iyong narinig sa iyong panaginip, ipinapayo na magsimba ka sa Our Lady of Manaoag at maaaring makuha mo na ang mensahe sa iyo ni Virgin Mary.
Dahil malaki ang tsansa na ang sinabi sa iyo sa ibang wika ay ang pasyalan mo si Virgin Mary dahil maaaring nakalilimot ka na sa Kanya, puwede ring ito ay nagpapaalala na minsan ay nasabi mo na regular kang magsisimba sa Manaoag.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo





Comments