top of page
Pokwang.jpg

Idinemanda ng younger brother… GABBY, TODO-IWAS SA INTERVIEW, PRESS TINAKASAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 14, 2019
1 min read

PAGKATAPOS ng “question and answer” portion sa Love You Two presscon ay umalis na agad ang lead actor na si Gabby Concep­cion, habang ang newbie na si Clint Bondad ay nag-stay nang konti pero nagmama­dali ring umalis. Ang dami pa namang gus­tong itanong sa kanila ng entertainment press.

Si Gabby ay may issue nga na idinemanda ng kan­­­yang nakababatang kapa­tid dahil sa lupa. Si Clint naman, gustong ma­la­man ng press kung may bago na ba siyang girlfriend lalo’t spotted siyang may hinahalikang girl sa isang bar a few days ago.

Sa Q&A ay nagpasa­la­mat si Clint kay Jennylyn na siya raw dahilan kung bakit siya nandito sa GMA-7.

“Nakapasok ako sa GMA-7 dahil sa Dear Uge episode namin. ‘Yung experience ko diyan sa Dear Uge, na­isip ko, ‘Ang ganda naman ng GMA, puwedeng-puwede pala.’ Cool pa si Jennylyn at nagustuhan ko ‘yung theme (ng rom-com serye).

“For me naman, I’m always excited sa lahat ng ibinibigay sa akin, pero ito naman, mas excited pa ako dito kasi masaya ako dito talaga.

“So, maraming salamat sa GMA, maraming salamat sa lahat ng ibini­bigay n’yo sa akin. Hindi ko alam kung bakit ibinibigay sa akin, but thank you very much,” sabi ni Clint.

In fairness naman sa newbie actor, sa nakita naming acting niya sa pilot episode na ipinapanood din sa press nang gabing ‘yun, nakakaarte siya at maganda rin ang rehistro sa screen.

Magsisimula na sa April 22 ang Love You Two na first team-up nina Gabby at Jennylyn Mercado. Nagbabalik ang Ultimate Star sa romantic-comedy genre na siyang comfort zone niya kaya excited and happy ang aktres.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page