top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

5 yrs. old, itinulak mula 3rd flr. ng mall

Jersey Sanchez
Apr 14, 2019
1 min read

ISANG 5-taong gulang ang sugatan matapos umanong itulak ng isang lalaki mula sa ikatlong palapag ng isang mall sa Minnessota USA.

Ayon sa Bloominton Police Department, alas-10:17 ng umaga nang makatanggap sila ng ulat na isang bata ang nahulog mula sa 3rd floor ng balcony ng Mall of America.

Gayunman, may mga nakakita umano sa pangyayari at nagsabing isang lalaki ang nagtulak sa bata. Agad namang rumesponde ang mga awtoridad kaya naaresto ang suspek bago pa makatakas. Kinilala ang suspek na si Emmanuel Deshawn Aranda, 24, na kinasuhan ng attempted homicide.

Samantala, hindi pa matiyak kung kaanak ng bata ang suspek habang patuloy na inaalam kung ano ang kanyang motibo sa pagtulak sa bata.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page