top of page
WINNER - ALEX, INILANTAD NA ANG PAGBUBUNTIS-IG _cathygonzaga.jpg

Sakto ngayong tag-init kung saan uso ang pagiging dehydrated… MGA BENEPISYO NG PAG-INOM NG TUBIG

  • Jersey Sanchez
  • Apr 13, 2019
  • 2 min read

FOR sure, marami riyan ang hindi nakaiinom ng sapat na dami ng tubig kada araw dahil busy o sadyang hindi lang talaga nila trip na uminom ng tubig. Hmmm… mga bro at sis, kapag nalaman ninyo ang mga posibleng mangyari sa inyo kapag uminom kayo ng wastong dami ng tubig, araw-araw, siguradong “water is life” ang magiging motto ninyo. Kaya mga besh, narito ang 5 benefits sa pag-inom ng tubig:

1. MEMORY IMPROVEMENT. Sey ng experts, dependent ang utak sa mga fluid para mag-function ito nang tama. Gayundin, dehydration ang sanhi ng memory decline, kaya inirerekomenda ng mga eksperto ang pag-inom ng sapat na dami ng tubig, araw-araw.

2. FOCUS WILL INCREASE. Base sa pag-aaral, ang mild dehydration ay nakaaapekto sa pagproseso ng utak kung saan napabababa nito ang kakayahan ng utak na mag-focus. Kaya sa mga beshy natin diyan na hirap mag-focus, baka ito na ang solusyon sa problema ninyo!

3. YOU’LL ELIMINATE MINDLESS SNACKING. Maraming guilty dito — ‘yung tipong magugulat ka na lang na kumakain ka na ng kung anu-ano. Agree? Sey ng experts, upang maiwasan ang mindless snacking, ilagay ninyo sa inyong isipan na kayo ay nauuhaw nang sa gayun ay tubig lang ang inyong hanapin. Copy?

4. YOUR SKIN IS MORE RADIANT. ‘Ika nga nila, more water intake is equal to clear skin. True ‘yan dahil malaking benepisyo ang naibibigay ng tubig sa balat sa pamamagitan ng hydration. Gayundin, nagmumukhang mas bata ang balat natin dahil sa hydration.

5. YOU’LL HAVE BETTER MOOD. Sey ng experts, ang pagbaba ng 1 hanggang 2 por­siyento ng optimal hydration ay nakaaapekto sa mood, partikular sa kababaihan. Bagama’t, mara­ming hindi naka­iinom ng sapat na dami ng tubig kada araw dahil “boring” ito, ini­re­rekomenda ng mga eksperto ang pag-inom ng sparkling o flavored water.

Oh, mga besh, make sure na mas maraming tubig ang mai-intake ninyo araw-araw, ha? Gayundin, i-share ninyo ang mga benefit na ito sa inyong pamilya at mga kaibigan.

Stay hydrated, mga ka-BULGAR!

Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page